Pangalan ng Organisasyon: Presidential Communications Office (PCO)

Uri ng Pulong: Malacañang Press Briefing.

Petsa: Hunyo 18, 2025

Lugar: New Executive Building, Malacañang, Manila


I.  Mga Dumalo

Tagapangulo: PCO Undersecretary Claire Castro

Kalihim: Precious Lhyn C. Zalun

Mga Dumalo: Cleizl Pardilla – People’s Television Network (PTV) 4

Analy Soberano – Bombo Radyo

Richbon Quevedo – Daily Tribune

Maricel Halili – TV5

Miyembro ng Malacañang Press Corps

Mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya


II. Mga Agenda at Pagtatalakay:

Simula ng Pulong

Agenda

  • Tugon ng Pangulo sa Sunog sa San Francisco High School

Napag-usapan:

  • Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos
    Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paaralan.
  • Tinatayang tatlong milyong piso ang halaga ng pinsala sa 8 classrooms at 12 ancillary rooms.
  • Naapektuhan ang 640 estudyante at 47 guro.
  • Inutusan ng Pangulo ang Department of
    Education (DepEd),
  • Local Government Unit (LGU) ng Quezon City, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mabilis na clearing, rehabilitation, at
    assessment.
  • Gagamitin ang quick response fund sa
    agarang pagsasaayos.
  • Nakapaghatid na ng 600 armchairs, orbit
    fans, water dispensers, at pondo para sa
    minor repairs.

Napagdesisyonan:

  • Tiyakin ang agarang rehabilitasyon ng
    paaralan.
  • Siguruhin na hindi maaantala ang edukasyon ng mga estudyante.
  • Pagtitiyak sa Kaligtasan ng mga Paaralan sa Pagbubukas ng Klase

Napag-usapan:

  • Inatasan ni PBBM si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na paigtingin ang police visibility sa mga paaralan.
  • Nagdeploy ng mga pulis sa paligid ng mga paaralan at bumisita sa ilang eskuwelahan.
  • Emergency hotline 911 ang ginagamit para sa agarang responde.

Napagdesisyonan:

  • Palakasin ang seguridad sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Tanong at Sagutan ng Media

Agenda

  • Mga Hakbang para sa Panahon ng Tag-Ulan
    at Kaligtasan ng Mamamayan

Napag-usapan:

  • DPWH: Pagsisimula ng flood control projects at masterplan para sa 18 major river
    basins.
  • Department of Science and Technology Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA): Paglulunsad ng National Hydro-Met Observing Network at centralized alert system.
  • Department of Agriculture (DA): Sinigurong sapat ang supply ng bigas; handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa feeding program; Department of Health (DOH) sa mga health campaigns kontra sakit sa tag-ulan.
  • Ayon sa business sector, nakaaapekto sa
    investor confidence ang mabagal na
    impeachment process.
  • Pinuna rin ang mga senador na umano’y
    may kinikilingan.
  • Malacañang: Panawagang sundin
    ang Konstitusyon at rule of law; hindi
    makikialam ang Pangulo sa proseso.
  • Labing walong OFWs ang na-repatriate mula
    Dubai patungong Israel at Jordan ngunit
    bumalik dahil sa lumalalang tensyon.
  • Malacañang: Patuloy ang assessment sa
    papel ng Bureau of Immigration at
    Department of Migrant Workers
    (DMW).

Napagdesisyonan:

  • Magpatuloy sa pagpapatupad ng
    flood control projects.
  • Palakasin ang early warning system.
  • Tiyakin ang seguridad sa pagkain at
    kalusugan ng mamamayan.
  • Iginiit ng Palasyo na pairalin ang transparency at rule of law upang mapanatili ang kumpiyansa sa
    ekonomiya.
  • Alamin ang buong detalye bago gumawa
    ng konklusyon.

Pagtatapos ng Pulong

Agenda

  • Kakulangan sa mga Silid-Aralan at K-to-12 Curriculum

Napag-usapan:

  • Ayon sa assessment, may kulang na
    160,000 classrooms.
  • Pangulo: Pagtataka sa kapabayaan ng mga
    naunang administrasyon.
  • Direktiba sa DPWH: Bilisan ang
    konstruksyon ng mga silid-aralan.
  • Inatasan ang DepEd na pagbutihin ang
    K-to-12 curriculum para sa graduate
    readiness.

Napagdesisyonan:

  • Pabilisin ang paggawa ng mga bagong
    classrooms.
  • Repasuhin ang K-to-12 upang mas
    maging kapaki-pakinabang sa
    mga graduates.

Website: http://www.mahika.com

Posted in

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started