Pangalan ng Organisasyon: Presidential Communications Office (PCO)
Uri ng Pulong: Malacañang Press Briefing.
Petsa: Hunyo 18, 2025
Lugar: New Executive Building, Malacañang, Manila
I. Mga Dumalo
Tagapangulo: PCO Undersecretary Claire Castro
Kalihim: Precious Lhyn C. Zalun
Mga Dumalo: Cleizl Pardilla – People’s Television Network (PTV) 4
Analy Soberano – Bombo Radyo
Richbon Quevedo – Daily Tribune
Maricel Halili – TV5
Miyembro ng Malacañang Press Corps
Mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya
II. Mga Agenda at Pagtatalakay:
Simula ng Pulong
Agenda
- Tugon ng Pangulo sa Sunog sa San Francisco High School
Napag-usapan:
- Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos
Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paaralan. - Tinatayang tatlong milyong piso ang halaga ng pinsala sa 8 classrooms at 12 ancillary rooms.
- Naapektuhan ang 640 estudyante at 47 guro.
- Inutusan ng Pangulo ang Department of
Education (DepEd), - Local Government Unit (LGU) ng Quezon City, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mabilis na clearing, rehabilitation, at
assessment. - Gagamitin ang quick response fund sa
agarang pagsasaayos. - Nakapaghatid na ng 600 armchairs, orbit
fans, water dispensers, at pondo para sa
minor repairs.
Napagdesisyonan:
- Tiyakin ang agarang rehabilitasyon ng
paaralan. - Siguruhin na hindi maaantala ang edukasyon ng mga estudyante.
- Pagtitiyak sa Kaligtasan ng mga Paaralan sa Pagbubukas ng Klase
Napag-usapan:
- Inatasan ni PBBM si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na paigtingin ang police visibility sa mga paaralan.
- Nagdeploy ng mga pulis sa paligid ng mga paaralan at bumisita sa ilang eskuwelahan.
- Emergency hotline 911 ang ginagamit para sa agarang responde.
Napagdesisyonan:
- Palakasin ang seguridad sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Tanong at Sagutan ng Media
Agenda
- Mga Hakbang para sa Panahon ng Tag-Ulan
at Kaligtasan ng Mamamayan
Napag-usapan:
- DPWH: Pagsisimula ng flood control projects at masterplan para sa 18 major river
basins. - Department of Science and Technology Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA): Paglulunsad ng National Hydro-Met Observing Network at centralized alert system.
- Department of Agriculture (DA): Sinigurong sapat ang supply ng bigas; handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa feeding program; Department of Health (DOH) sa mga health campaigns kontra sakit sa tag-ulan.
- Ayon sa business sector, nakaaapekto sa
investor confidence ang mabagal na
impeachment process. - Pinuna rin ang mga senador na umano’y
may kinikilingan. - Malacañang: Panawagang sundin
ang Konstitusyon at rule of law; hindi
makikialam ang Pangulo sa proseso. - Labing walong OFWs ang na-repatriate mula
Dubai patungong Israel at Jordan ngunit
bumalik dahil sa lumalalang tensyon. - Malacañang: Patuloy ang assessment sa
papel ng Bureau of Immigration at
Department of Migrant Workers
(DMW).
Napagdesisyonan:
- Magpatuloy sa pagpapatupad ng
flood control projects. - Palakasin ang early warning system.
- Tiyakin ang seguridad sa pagkain at
kalusugan ng mamamayan. - Iginiit ng Palasyo na pairalin ang transparency at rule of law upang mapanatili ang kumpiyansa sa
ekonomiya. - Alamin ang buong detalye bago gumawa
ng konklusyon.
Pagtatapos ng Pulong
Agenda
- Kakulangan sa mga Silid-Aralan at K-to-12 Curriculum
Napag-usapan:
- Ayon sa assessment, may kulang na
160,000 classrooms. - Pangulo: Pagtataka sa kapabayaan ng mga
naunang administrasyon. - Direktiba sa DPWH: Bilisan ang
konstruksyon ng mga silid-aralan. - Inatasan ang DepEd na pagbutihin ang
K-to-12 curriculum para sa graduate
readiness.
Napagdesisyonan:
- Pabilisin ang paggawa ng mga bagong
classrooms. - Repasuhin ang K-to-12 upang mas
maging kapaki-pakinabang sa
mga graduates.
Website: http://www.mahika.com